Facebook Like

Notre Dame

Notre Dame of Kalamansig

PDFPrint

Notre Dame of Kalamansig is the only private and catholic school and was founded in 1948 by Father Aloysius Cartier, OMI who was then the parish priest of San Isidro Labrador Parish. At present Rev. Father Jessie P. Pasquin, DCC heads the school as the School Director and Ms. Alice C. Alo as the Principal.

 NDK envisions for the holistic development of the youth guided by the Holy Spirit cope with the demands of developing society and show readiness for the service.

The faculty, staff and administrator commit themselves as agents of transformation of the youth with love, peace, unity and justice that they will actively participate in the community and witness the Gospel Values for the service of God’s Kingdom.

 The Notre Dameans should keep in mind the ideals of Notre Dame of Kalamansig namely: thirst for knowledge and love for the country with the inspiration of the Divine guidance and protection of our beloved mother Virgin Mary.

 The seal’s background and bold MN signify Mary Immaculate Mother. At the left hand corner is the maple leaf, the flag of Canada, representing the founder Bishop Gerard Mongeau, OMI, DD of the Cotabato Province, Sulu and Manila. Above the leaf is the book suggesting that knowledge is open for those who have been seeking. The students are nourished by the fishes of the seas, the coconuts of the land, and the products of the mountains and they also enjoy the white sand beaches. The red color represents the Holy Spirit showering graces over Notre Dame of Kalamansig that inspire students to acquire quality education, to develop their talents, and to serve their fellowmen, country and God.

 

NDK CORE VALUES

B – BENEVOLENCE IN HEART

E – EXCELLENCE IN ACTION

S – SCIENTIC IN MIND

T – TRANSCENDENCE IN SPIRIT

 

The Magic 9

PDFPrint

The Magic 9

BY: THE BALANCER


It started on September 05, 2010,

That we had our first gathering.

We met and talked about many things,

Which brought us to deeper bonding.

 

From that time, we found our new company,

Having exemplary goals to many.

We modeled ourselves to everybody.

So that we could influence in a good way.

 

Sometimes, we encountered challenges,

That tested our giftedness.

But since we were well-founded

These made us strong bounded.


We had never asked for this companionship,

That developed into a meaningful friendship.

We thanked God for this wonderful gift.

For we have been high-spirited.

 

We named our group Magic Nine,

For we had common interest, purpose and mind.

Good fellowship has been what we have desired,

So we could achieve peace, love and harmony we have admired.

 

Magic 9, we must make our share,

To have authentic legacy to one another.

Commend your faith to our Almighty,

And He will continue to bless our way.

 

 

 

Saglit kitang Naging Kaibigan

PDFPrint

SAGLIT KITANG NAGING KAIBIGAN

(Second Place-RSPC)

By: Camella Joy Lee



                                                                           KAIBIGAN….malalapitan sa oras ng kagipitan.

Isang napakahalagang bagay ay ang magkaroon ng isang kaibigan. Isa siyang simpleng bata ngunit punung-puno ng pangarap sa buhay,masayahin,makulit at sobrang malambing.

Naaalala ko pa noon nang kami ay namamasyal, tinutulungan ako sa pagtatrabaho sa bahay at naging malapit na siya sa aking mga magulang.

Pinag-uusapan naming madalas an gaming mga pangarap,”Gusto ko maging nars paglaki”, wika niya. Sa kanyang mga mata’y nakikita ko ang malaking interes sa pag-aaral, ngunit sa dahilang iniwan siya ng nanay niya sa mga kamag-anak nito, ay unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa.

Nagdaan ang maraming araw, parati kaming naglalaro sa aming manggahan. Masayang-masaya kami, Hanggang isang araw ay nagpaalam siya sa akin na pupunta raw sila ng kanyang tito sa isang kasalan sa kabilang kalye. Hanggang pagdating ng hapon ay naglalakad ako sa kalsada nang may makita akong maraming nagtutumpukan na tao sa gitna ng kalsada, at ang iba’y umiiyak sa pagkaawa. Paglapit ko, nakita ko ang aking matalik na kaibigan na nakahandusay, duguan at halos di ko na makilala ang mukha. Naipit ang ulo nito at nasagasaan ng humahagibis na trak. Halos di na  ako matigil sa kaiiyak at nasabi ko,”Bakit? Di ba, marami pa tayong pangarap sa buhay? Bakit nauna ka na? Di ba sabi mo, magiging nars ka pa?

Nang mga sumunod na araw ay nakahimlay na siya sa kanilang  bahay. Nang isang gabi ay napanaginipan ko siya. Sabi niya,”Hindi ko ginusto ang nangyari, ayokong iwan ka, ngunit Masaya na akong kapiling ang Diyos at gagabayan na lang kita sa araw-araw. Mag-aral kang mabuti. Paalam.” Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata.

Bakit sa karami-raming mga tao sa mundo, bakit siya pa ang kinuha mo? Talaga nga bang maramot ka? O sadyamg kinuha mo siya upang hindi na siya maghirap sa lahat ng mga pasakit at problema na tinatamasa niya dito sa mundo? Ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa iyo Panginoon dahil nagkaroon ako ng kaibigan na handang nariyan sa oras ng kagipitan at inspirasyon ko habang  buhay kahit saglit lang.

 
 

Hinanakit ng Isang Anak

PDFPrint

HINANAKIT NG ISANG ANAK

(First Place- DSPC)

By: Camella Joy Lee



Totoo bang… walang inang magtatakwil sa kanyang anak?

Bata pa lamang ako ng namulat akong walang ina. Hindi naging madali sa akin iyon. Sa araw-araw na magkasama kami ng aking ama, ay natatanong ko sa sarili ko,’’Mahal ba kami ng aking ina?”

Isa siyang cashier sa paaralan at nagpapabili ng ulam ang papa ko sa isang carenderia. Masaya kami noon dahil namumuhay kami ng simple ngunit payak. Ngunit dahil sa walang kakuntentuhan ang ina ko ay lagi silang nag-aaway. Umalis siya at sumama sa ibang lalake.

Dumaan ang maraming taon, nagluluto ang aking ama sa carenderia. Nang dahil don napagtapos ako ng aking ama sa elementary. Siya ang tumayo bilang ama at ina. Hanggang ako’y naging hayskul. Nang biglang isang araw, ay may biglang tumawag sa cellphone. Hindi ko akalaing ina ko pala iyon. Halos hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman kung ako ba ay magiging masaya o magagalit.

Madalas kaming mag-usap sa cellphone nang isang araw ay natanung ko siya,”Ma, bakit mo kami iniwan?”. Sa mga dayalogong iyon ay lumalakas ang pintig ng puso ko. Sabi niya,’Iniwan ko kayo upang makapaghanap ako ng trabaho at mapaaral ka.”

Maraming buwan ang dumaraan na lagi siyang nagpapadala. Tumawag siyang muli at sinabing,”Kukunin na kita, narito na ako sa Canada at magtatrabaho ka rito, tutulungan mo ako upang marunong ka nang humanap ng pera.” Sinabi ko lang ,”Ma,mag-aaral muna ako, susunod ako kapag nakatapos na ako.” Bigla siyang nagalit sa akin at pinatay ang cellphone. Hininto na niya ang pagsuporta at tinanggap namin iyon ng buong-buo. Maluwag sa kalooban ko ang nangyari, ang sa akin lang ay magkasama kami ni papa.

Nagpapasalamat pa rin ako sa aking ina dahil siya ang nagluwal sa akin. Diyos lang ang nakakaalam kung magkikita kaming muli na walang hinanakit at sama ng loob sa isa’t isa.

 
 

Contact Us

-

Discovery Tour

-

Kalamansig Web Team